Sunday, October 24, 2010

Miss World University candidate, Angelique Agustin, Hails from PUP

Repost from Dekki.

There is a need for social change and we are starting it inside the four walls of the campus…            

-Mula sa Bb. Unibersidad-

Ganito. May balita ako, isang good news isang bad news. Ano ang gusto mong unahin ko, yung good o yung bad? Okay, sige. Ako na ang magde-decide kung alin ang una (wala ka namang magagawa).

Yung good muna.

Sa susunod na buwan (o sa december yata), magkakaroon ng World Miss University sa Seoul, South Korea. Isa itong pageant, isang international beauty contest na lalahukan ng maraming kolehiyala mula sa iba’t ibang unibersidad sa iba’t ibang bansa. Hindi siya yung simpleng beauty pageant. Parang yung sinasabi ng Bb. Unibersidad dito sa atin. Ang sabi nila: The pageant is not just a celebration of beauty and intellect, but it also aims to spread the message of love and peace by appointing a public service delegation of outstanding female university students from all around the country…

Ang magandang balita: sa PUP manggagaling ang magiging representative ng ating bansa sa nasabing competition. Palakpakan! First Time yata ng PUP yun (kung di ako mali). He he. Tayo muna. Sa atin manggagaling ang contestant na magiging representative ng bansa.

Si Angelique Agustin yun ng MassComm. 4th year student ng Communication Research. Member siya ng Central Student Council sa ilalim ng SAMASA Party. Isa siya sa mga councilor natin. Dinig ko, kasalukuyang member din siya ng LFS at ipinagmamalaki niya na siya ay isang aktibista sabi ng ilang kaibigan. Nakakatuwa naman. Marami pang ibang bagay ang tungkol sa kanya na di ko alam kaya yun lang muna ang masasabi ko (Google her name). Yun ang good news.     

Ang bad news?  Hindi natin alam kung hanggang saan ang kayang itulong ng eskwela natin sa kanya dahil (alam niyo na) walang pera ang PUP. May budget cut pa nga di ba? Bugoy talaga ‘tong si Noynoy Abnoy. Kailangan ni Angel ng malaki laking halaga nang pang-pinansya para sa mga bagay na kakailanganin niya at ng kanyang kasama mula sa tiket sa eroplano hanggang sa kung anu-ano pang bagay na kailangan sa panahon ng pageant.

Isip tayo ng paraan paano tayo makakatulong. Sana matuloy siya sa pageant.  Mabigyan niya sana ng boses dun yung mga studyante at kabataan dito na nananawagan para sa mataas na budget sa edukasyon. Alam ni Angel yun, LFS siya eh.

Oh! Ito siya, tignan mo.      

No comments:

Post a Comment